26 BIR employees tinanggal, 2 sinuspinde

Ayon sa BIR, ilan sa mga dahilan ng pagkakatanggal o pagkakasuspinde sa kanila ay grave misconduct, pagsisinunga­ling, madalas na pagliban, pamemeke ng dokumento, pagpapabaya sa trabaho, hindi pagsunod sa nakatataas at absence without official leave.
STAR / Russell Palma

MANILA, Philippines — Nasa 26 kawani ang tinanggal habang 2 ang sinuspinde ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa iba’t ibang katiwalian.

Ayon sa BIR, ilan sa mga dahilan ng pagkakatanggal o pagkakasuspinde sa kanila ay grave misconduct, pagsisinunga­ling, madalas na pagliban, pamemeke ng dokumento, pagpapabaya sa trabaho, hindi pagsunod sa nakatataas at absence without official leave.

“Keep in mind that you have no business working for the BIR if you fail to meet our standards for integrity and professiona­lism,” wika ni Lumagui Jr.

Sinabi ni Commissioner Lumagui  na magsasagawa siya ng regular investigation sa mga opisyal ng BIR officials at oras na mapatunayang may  grounds para sa dismissal ay agad niya itong tatanggalin sa puwesto at kung may grounds sa suspension ay agad sususpindehin.

“We are committed to provide a new BIR to the public. One that has integrity and professionalism,” sinabi pa ni Lumagui.

Show comments