MANILA, Philippines — Kasabay ng pagdiriwang kamakalawa ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ay inilunsad ang Brotherhood of Brave Maharlikan Tigers (BBM Tigers) Barangay Patrol, ang nationwide public service program sa radio at social media.
Ayon kay Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBPI) president at Brotherhood of Brave Maharlikan Tigers (BBM Tigers) vice president for strategic communications Dr. Michael Raymond Aragon, layong talakayin ng BBM Tigers Barangay Patrol ang mga mahahalagang balita at impormasyon na mapapakinggan sa public service program ay mapapakinggan sa DWBL 1242 kh kada linggo mula alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng gabi Lunes hanggang Biyernes.
Ani Aragon, epektibong paglilingkod sa publiko sa inter-active na pamamaraan at paghimok ng partisipasyon ng iba’t ibang sektor na matulungan ang mga nangangailangan.
Sinabi naman nina BBM Tigers president Atty. Lorenzo ‘Larry’ Gadon at founding chairman Albert Dela Cruz Sr. ng Climate Change Commission (CCC), na nais ng kanilang organisasyon na maging kakaiba sa pagtulong, lalo na sa gitna ng pag-recover ng bansa mula sa pandemya ng coronavirus at masasamang epekto ng climate change at global warming.
Itinatag ang naturang brotherhood noong Hunyo 12, 2022 nina Commissioner Dela Cruz at Atty. Gadon na kapwa kilala ang kapangyarihan at impluwensya ng quad-media convergence sa pagpapalaganap ng pagbabago at repormang magpapabilis sa pag-unlad ng Pilipinas sa darating na panahon.