^

Police Metro

BBM Tigers radio public service program, inilunsad

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagdiriwang kamakalawa ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ay inilunsad ang Brotherhood of Brave Maharlikan Tigers (BBM Tigers) Barangay Patrol, ang nationwide public service program sa radio at social media.

Ayon kay Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBPI) president at Brotherhood of Brave Maharlikan Tigers (BBM Tigers) vice president for strategic communications Dr. Michael Raymond Aragon, layong talakayin ng BBM Tigers Barangay Patrol ang mga mahahalagang balita at impormasyon na mapapakinggan sa public service program ay mapapakinggan sa DWBL 1242 kh kada linggo mula alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng gabi Lunes hanggang Biyernes.

Ani Aragon, epektibong paglilingkod sa publiko sa inter-active na pamamaraan at paghimok ng partisipasyon ng iba’t ibang sektor na matulungan ang mga na­ngangailangan.

Sinabi naman nina BBM Tigers president Atty. Lorenzo ‘Larry’ Gadon at founding chairman Albert Dela Cruz Sr. ng Climate Change Commission (CCC), na nais ng kanilang orga­nisasyon na maging kakaiba sa pagtulong, lalo na sa gitna ng pag-recover ng bansa mula sa pan­demya ng coronavirus at masasamang epekto ng climate change at global warming.

Itinatag ang natu­rang brotherhood noong Hun­yo 12, 2022 nina Commissioner Dela Cruz at Atty. Gadon na kapwa kilala ang kapangyarihan at impluwensya ng quad-media convergence sa pagpapalaganap ng pagbabago at repormang magpapabilis sa pag-unlad ng Pilipinas sa dara­ting na panahon.

ARAW NG KALAYAAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with