^

Police Metro

Gunman ng radioman, kinasuhan na

By Ed Amoroso - Pang-masa
Gunman ng radioman, kinasuhan na
Kasong murder ang isinampa ng biyuda ni Bunduquin sa umano’y gunman na si Isabelo Lopez Bautista Jr. 45, helper at residente ng Barangay Alcadesma, Bunsud, Oriental Mindoro at attempted murder naman ang isinampa ng anak na si  John Mar sa Calapan City Regional Trial Court.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nagsampa ng kasong kriminal ang biyuda at anak ng pinatay na radio broadcaster na si Cre­senciano Bunduquin sa Calapan City, Oriental Mindoro laban sa gunman.

Kasong murder ang isinampa ng biyuda ni Bunduquin sa umano’y gunman na si Isabelo Lopez Bautista Jr. 45, helper at residente ng Barangay Alcadesma, Bunsud, Oriental Mindoro at attempted murder naman ang isinampa ng anak na si  John Mar sa Calapan City Regional Trial Court.

Ang binuong Special Investigation Task Group ‘Bunduquin’ ang nagpasa ng mga ebidensiya at lahat ng dokumento sa prosecutor office para sa ebalwasyon at assessment.

Positibong itinuro ng mag-ina si Bautista sa mga larawan na ipinakita sa kanila na siyang bumaril sa biktima ng malapitan noong Mayo 31 sa Barangay Sta. Isabela, Calapan City.

Sinabi naman ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) executive director Paul Gutierrez, na naniniwala ang pamilya ni Bundu­quin na may iba pang tao na sangkot kabilang ang isang police major at kasama nito sa local peryahan na sangkot sa krimen.

vuukle comment

GUNMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with