^

Police Metro

Higit 1,300 pulis-Maynila ipakakalat sa Independence Day

Danilo Garcia - Pang-masa
Higit 1,300 pulis-Maynila ipakakalat sa Independence Day
Sinabi ni Dizon na nasa 1,363 ang mga pulis ang ipapakalat sa Maynila sa Araw ng Kalayaan, para matiyak ang kapayapaan at kaligtasan ng mga makikibahagi sa selebrasyon.
Edd Gumban / File

MANILA, Philippines — Mahigit 1,300 mga pulis ang ipapakalat ng Manila Police District (MPD) para sa nakatakdang pagdiriwang ng ika-125 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng bansa.

Ayon kay MPD Director Police Brig. Gen. Andre Dizon, bilang bahagi ng pagdiriwang, kabi-kabila ang mga aktibidad sa lungsod ng Maynila sa Lunes.

Kasama rito ang nakalatag na Independence Day programs sa Rizal Park at Quirino Grandstand, na posibleng puntahan ng matataas na opisyal ng pamahalaan sa pangunguna ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Inaasahan ding dadagsa ang mga grupo na magsasagawa ng kilos-protesta sa iba’t ibang lugar sa Maynila.

Sinabi ni Dizon na nasa 1,363 ang mga pulis ang ipapakalat sa Maynila sa Araw ng Kalayaan, para matiyak ang kapayapaan at kaligtasan ng mga makikibahagi sa selebrasyon.

ARAW NG KALAYAAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with