LRT-1 at 2 may libreng sakay sa Araw ng Kalayaan

Photo dated January 29, 2022: Commuters wait on the platform of the Light Rail Transit-Line 1 (LRT1) Doroteo Jose Station in Manila for a train.
Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-125 taon ng Araw ng Kalayaan ng bansa ay magbibigay ng libreng sakay sa kanilang mga commuters ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2) sa Lunes.

Sa abiso ng mga pamunuan ng LRT-1 at LRT-2, nabatid na maaaring i-avail ang libreng sakay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga  at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Ang LRT-1 ay bumabaybay sa Roosevelt, Quezon City hanggang Baclaran sa Parañaque City habang ang LRT-2 naman ang siyang nagdudugtong sa Recto, Maynila at Anti­polo City.

Show comments