MANILA, Philippines — “Isaalang-alang ang kapakanan ng mahihirap na constituents, alinsunod na rin sa kagustuhan ng administrasyong Marcos na iahon sa kahirapan ang mga Pilipino dulot ng pandemya”.
Ito ang naging paalala ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga kasamahan sa Kongreso sa isang Thanksgiving Dinner sa Taguig.
Nabatid na ang tinutukoy ng lider ng kongreso ay paghahain ng mga batas na makakatulong na maingat ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino lalo na iyong mga nasa mahirap na sektor.
Kaya noong mga nakalipas na buwan ay pinaimbestigahan ng kongreso kung bakit mataas ang presyo ng sibuyas at natukoy na hinord lang pala ang mga sibuyas ng mga negosyante.
Kaya naman patuloy ang paggawa ng mga panukalang batas sa Mababang Kapulungan para kalidad ng buhay ng mamamayan.
“Wag natin kalimutan kaya tayo dito dahil nilagay tayo ng mga constituents natin para tulungan sila,” paalala ni Romualdez.