MANILA, Philippines — Inaasahan na magkakaroon ng bahagyang pagbaba sa presyo ng petrolyo sa Martes, matapos ang may isang buwang taas-presyo nitong nagdaang buwan.
Ayon sa oil industry, ang presyo ng diesel ay may konting bawas na P0.25 hanggang P0.50 per liter habang ang presyo ng gasolina ay bababa ng P0.50 per liter at ang presyo ng kerosene ay bababa ng P0.70 per liter.
Sinasabing ang kakulangan sa oil reserves sa nagdaang buwan ang ugat ng price adjustment dulot naman ng kaguluhan sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Tuwing martes ipinatutupad ang price adjustment.