^

Police Metro

Bulkang Taal, patuloy ang pag-aalboroto

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Habang nasa ilalim ng alert level 1, patuloy pa rin ang pag-aalboroto ng Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas.

Sa latest report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ­(Phivo­lcs) kahapon, ang bulkang Taal habang nasa ilalim ng Alert level 1 ay nakapagtala ng 2 volcanic tremors at may pagluwa ng asupre na may 5,831 tonelada at may  naitalang upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake ng bulkan.

Nakapagtala rin ang  bulkan ng pagluwa ng puting usok na may taas na 1500 metrong taas na napadpad sa hilagang-silangan at silangan-hilagang silangan. Nakita rin ang maikling pamamaga ng hilagang kanlurang bahagi ng Taal at  pangmatagalang pag-impis ng kalakhang Taal Caldera.

Bunga nito, pinapayuhan ang sinuman na huwag papasok sa Taal Volcano Island (TVI) laluna sa Main Crater at Daang Kastila fissures at bawal din ang  pamamalagi sa lawa ng Taal.

Ipinagbabawal din ng Phivolcs ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dulot ng posibleng biglaang pagputok ng steam o ­phreatic explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall at pagbuga ng mga nakalalasong gas.

BULKANG TAAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with