MANILA, Philippines — Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa 12 lugar sa Luzon, sa kabila nang unti-unti nang pagbagal ng bagyong Betty habang kumikilos pasilangan sa Philippine Sea sa 11 a.m. bulletin ng state weather bureau ng PAGASA.
Nakataas ang TCWS No.1 sa Batanes; Cagayan kabilang ang Babuyan Islands; Isabel; Apayao; Ilocos Norte; at northern at central portions ng Abra (Tineg, Lacub, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Malibcong, Danglas, La Paz, Dolores, Tayum, Bucay, Sallapadan, Daguioman, Bucloc, Boliney); Kalinga; ang eastern at central portions ng Mountain Province (Sadanga, Barlig, Natonin, Paracelis, Bontoc); ang eastern at central portions ng Ifugao (Mayoyao, Aguinaldo, Alfonso Lista, Banaue, Hingyon, Lagawe, Lamut, Kiangan, Asipulo); ang northern at central portions ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao);Quirino; at northeastern portion ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Solano, Bagabag, Diadi, Villaverde, Bayombong, Ambaguio).
Anang PAGASA, ang sentro ng mata ng bagyo ay huling namataan, may 715 km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan (17.3 °N, 128.5 °E) dakong alas-10:00 ng umaga.
Mayroon itong maximum sustained winds na nasa 175 km/h malapit sa sentro, may pagbugso na hanggang 215 km/h, at central pressure na 935 hPa.
Ang eastern portion ng Babuyan Islands at ang northeastern portion ay nasa mainland Cagayan ay maaaring makaranas ng 100-200 mm ng ulan mula ngayong Lunes ng umaga hanggang Martes ng umaga.
Ang Batanes, ang northwestern portion ng mainland Cagayan, at ang northern portions ng Ilocos Norte at Apayao, naman ay maaaring makaranas ng 50-100 mm ng ulan sa nasabi ring panahon.
Inaasahan ding si Betty ay magpapalakas pa sa Southwest Monsoon ngayong linggong ito, na may monsoon rains na inaasahan sa western portions ng Mimaropa at Western Visayas ngayong Lunes.