MANILA, Philippines — Hindi naloko at nauto sa pag-aakalang may basbas at suportado ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang planong kudeta sa Kamara.
Ito ang nilinaw ni dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa kanyang Facebook post at muling iginiit na nagplano siya ng kudeta para patalsikin si House Speakaer Martin Romualdez.
Nanghingi rin ito ng paumanhin dahil nakakaladkad ang Unang Ginang sa tinawag nitong ‘political fantasy of a House coup’ na isang kawalang-galang sa First Lady at sa kanyang katalinuhan.
Iginiit naman ni Arroyo na kung sinuman ang nagpapakalat ng maling alingawngaw ay siyang nanloloko sa mga Pilipino, at dapat na rin silang mag-move on sa seryosong usapin para magkaroon ng positibong kontribusyon sa pag-unlad ng bansa.
Aminado naman ang dating pangulo na walang nagtagumpay na kudeta sa Kamara kung wala itong basbas ng presidente at iginiit na hindi siya nakipag-usap sa kahit sinong miyembro ng Kamara tungkol sa plano, suportahan, hikayatin o magpartisipa ang sinuman para patalsikin sa puwesto si Romualdez.
Matatandaan na umugong ang balitang pagpapatalsik kay Romualdez na first cousin ni Marcos Jr. matapos na alisin sa pwesto si Arroyo mula sa pagiging senior deputy speaker sa deputy speaker noong Mayo 7 at palitan siya ng kanyang “kabalen” na si Pampanga Rep. Dong Gonzales.