^

Police Metro

Fire volunteer tiklo sa higit P23 milyong droga

Ludy Bermudo - Pang-masa
Fire volunteer tiklo sa higit P23 milyong droga
Kinilala ang suspek na si Jonnie Romo alyas “Han,” 41-anyos, isang fire volunteer na pinaniniwalaang sangkot sa malawakang pagpapakalat ng iligal na droga.
STAR / File

Sa Parañaque buy-bust

MANILA, Philippines —  Arestado ang isang fire vo­lunteer matapos masamsaman ng mahigit P23-milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Jonnie Romo alyas “Han,” 41-anyos, isang fire volunteer na pinaniniwalaang sangkot sa malawakang pagpapakalat ng iligal na droga.

Sa ulat ng Southern Police District, dakong alas 2:50 ng madaling araw ng Mayo 27, 2023, nang madakip si Romo ng mga tauhan ng Pa­rañaque City Police Substation 4, kasama ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa buy-bust operation na ikinasa sa Balimbing St., Phase 3, Olivarez Compound, Barangay San Dionisio, Parañaque.

Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang ilang plastic na naglalaman ng shabu kabilang ang dalawang tea bags na may tatak na “GUAR YUN WANG,”. Nasa kabuuang 3,450 gramo ng shabu na may katumbas na  P23,460,000.00 Standard Drug Price (SDP).

Narekober din ang ginamit na marked money na isang piraso ng P1,000 bill, at 139 piraso ng tigP1,000 na boodle money, digital weighing scale.

vuukle comment

ROMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with