^

Police Metro

430 barangay officials na dawit sa droga binabantayan ng PNP

Doris Franche-Borja - Pang-masa
430 barangay officials na dawit sa droga binabantayan ng PNP
Philippine National Police chief Maj. Gen. Benjamin Acorda answers questions from reporters during his first press conference at the PNP headquarters at Camp Crame (April 25, 2023).
Michael Varcas / File

MANILA, Philippines — Umaabot sa 430 barangay officials na umano’y sangkot sa iligal na droga ang bina­bantayan ng pulisya.

Ito ang sinabi ni Phi­lippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na kung saan iba’t iba ang partisipasyon at bigat ng umano’y pagkakasangkot ng mga nasabing barangay officials sa ipinagbabawal na droga.

Aniya, lumilitaw na may barangay officials ang umano’y nagsisilbing protektor, tulak at financier sa operation ng illegal drugs.

Sa intelligence report na hawak ng PNP, pinakamarami ay mula sa Region 6 at National Capital Region na mga high value individual habang ang iba ay district levels lamang.

Nakatakdang ikasa ang operasyon sakaling mapatunayang sangkot ang mga barangay officials sa pagkalat ng ipinagbabawal na gamot.

Paliwanag ni Acorda, hindi dapat nakapuwesto ang mga barangay officials kung ang mga ito ay sangkot sa anumang uri ng illigal activities partikular ang droga na posibleng lumala at hindi na masawata pa ang problema sa droga.

Naniniwala si Acorda na sa barangay level pa lamang ay dapat nang nasusugpo ang isyu ng illegal drugs.

Dapat anya, ang mga barangay officials ang dapat na nagpoproteksiyon sa kanilang nasasakupan at nagsisilbing modelo.

ILLEGAL DRUGS

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with