Mayo, 6 parak pina-contempt ng senado sa P6.7 bilyong shabu bust

Tinatanong ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, chairperson of the Committee on Public Order and Dangerous Drugs, ang sinibak sa serbisyo na si dating PMSgt. Rodolfo Mayo na naka-vest ng BJMP sa naganap na P6.7-billion illegal drug bust sa Manila City sangkot ang ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Pina-contempt kahapon ng Senate Committee on Public­ Order and Dangerous Drugs ang sinibak sa serbisyo na si P/Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. at kanyang superior sa Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) na si Lieute­nant Colonel Arnulfo Ibañez sa pagkasabat sa P6.7 bilyon halaga ng shabu sa Maynila noong nakalipas na taon.

Nagalit ang mga senador dahil sa umano’y pagsisinungaling nina Mayo at Ibañez sa pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Senador Ronald dela Rosa tungkol sa umano’y tangkang cover-up sa pagkakaaresto kay Mayo.

Sa naturang pagdinig ay itinanggi ni Ibañez na wala siyang kinalaman sa mga galaw ni Mayo na tauhan niya sa PNP-DEG.

Subalit, biglang tumaas ang boses ni Senador Raffy Tulfo at sinabing huwag na silang maglokohan dahil tao ni Ibañez si Mayo.

Iginiit pa ni Tulfo na sa pagiging bobo at tiwali ay bobo si Ibañez dahil hindi niya alam ang ginagawa ng kanyang tauhan.

Matapos ipa-contempt si Ibañez ay pina-contempt naman ni Senador Robin Padilla si Mayo dahil tumangging sumagot sa mga tanong at nagsangalang ulit ng “rights against self incre­mination” nang tanu­­ngin kung paano nito naipon ang 990 kilo ng shabu.

Inaprubahan naman ni Dela Rosa ang mosyon para i-contempt ang dalawa habang lima pang pulis ang pina-contempt dahil sa pagsisinungaling ay sina Police Master Sgt. Carlo Bayeta, Patrolman Hasan Kalaw, Patrolman Dennis Carolina, Patrolman Rommar Bugarin at Patrolman Hustin Peter Gular.

Show comments