^

Punto Mo

EDITORYAL - Alisin, mga nakatira sa pampang ng estero

Pang-masa
EDITORYAL - Alisin, mga nakatira sa pampang ng estero

DATI nang ipinagbabawal ang pagtitirik ng mga bahay sa pampang ng estero o mga sapa dahil delikado ito kapag bumabaha. Marami nang bahay ang naanod sa mga nakaraang pagbaha noon at kasamang namatay ang mga nakatira. Mayroong buong bahay ang tinatangay ng baha. Kasamang inaanod ang mga basura.

Ngayon ay dumami na naman ang mga nakatira sa pampang ng estero sa Metro Manila. Parang mga nagsulputang kabute na ang buong estero na ang inokupa. Hindi lamang sa pampang ng estero kundi pati sa mga ilalim ng tulay. Hindi na gumagalaw ang tubig sapagkat pati ang basura nila ay sa estero na itinatapon.

May mga ordinansa rin na ipinasa ang local government units (LGUs) na nagbabawal sa pagtira sa mga pampang ng estero pero ngayon ay nababalewala na at lalong kumapal ang mga taong nakatira sa pampang. Hindi lamang ang panganib sa pagtaas ng tubig o baha ang kinakaharap ng informal settlers kundi ang iba pang trahedya.

Isang halimbawa ay ang nangyaring pagbuwal ng isang punong balete sa Estero de Magdalena sa Binondo, Maynila, noong nakaraang Huwebes na ikinamatay ng tatlong tao. Nakilala ang mga biktima na sina Edcel Landsiola at ang mag-amang Jomar Portillo at John Mark. Nasugatan naman sina Katelyn Caparangan, Reynaldo Caparangan, Alvin Portillo at Gecalyn Villorigo. Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), nangyari ang insidente dakong 12:30 ng madaling araw.

Ayon sa National Housing Authority, bibigyan ng bahay ang mga pamilyang naapektuhan ng nabuwal na balete. Hindi naman sinabi ng NHA kung saang lugar nila ililipat o bibigyan ng bahay ang mga ­apektadong informal settlers.

Nararapat lamang na pagkalooban nang matitirahang bahay ang mga apektado ng insdente pero ang mas mahalaga ay alisin ang mga naninirahan sa pampang para mailigtas sila sa panganib. Siguruhin naman na ang paglilipatan sa kanila ay may sapat na tubig, kuryente at mayroon ding pagkakakitaan. Siguruhin din naman na hindi na babalik sa pampang ang mga inilikas. Gawin ito upang hindi na maulit ang malagim na insidente gaya nang nabagsakan ng punong balete.

Nangangako si Presidente Ferdinand Marcos Jr. na makakagawa ng isang milyong bahay ang kanyang administrasyon sa loob ng isang taon. Kung matutupad ito, anim na milyong bahay sa loob ng kanyang anim na taong termino. Posibleng mawawala na ang mga iskuwater sa pampang ng estero at mga sapa kapag nangyari ang pangako ni Marcos.

 

INFORMAL SETTLER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with