^

Police Metro

Marcos sa publiko: Magtipid ng tubig, kuryente sa El Niño

Gemma Garcia - Pang-masa
Marcos sa publiko: Magtipid ng tubig, kuryente sa El Niño
Some residents of Tondo and Binondo area line up their empty containers to buy and store water following a water interruption in both districts on March 24, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Dahil sa pagharap ng Pilipinas sa El Niño ngayong taon ay hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko at local government units na magtipid sa paggamit ng tubig at power resources.

“The Philippines’ power demand far exceeds the supply in the country, and the 35 percent decrease in rainfall has already affected several dams, irrigation systems and hydroelectric power plants,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang YouTube vlog.

“Ang DILG inatasan natin na paratingin sa mga LGU ang kampanya natin sa pag-mitigate ng impact ng El Niño gaya ng pagtitipid ng tubig sa bahay, sa mga car wash, sa mga pagdidilig ng golf course at pagre-refill ng mga swimming pool,” ayon sa Pangulo.

“Lahat tayo ay may maitutulong, lahat tayo ay may magagawa,” dagdag na wika nito sabay sabing “The government has been supporting projects that help generate or store more power for the Philippines.”

Ang energy production aniya ay pinapaigting sa pagbubukas ng mas ma­raming renewable energy sources.

Sa katunayan nga aniya, kamakailan lamang ay in-extend ng gobyerno ang Malampaya service.

Maliban sa monitoring at pagaanin ang epekto ng El Niño sa sektor ng agrikultura, enerhiya at kalusugan, sinimulan na rin ng pamahalaan ang paghahanda para sa posibleng La Niña matapos ang panahon ng tagtuyot o dry spell.

KURYENTE

WATER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with