MANILA, Philippines — Isang malawak at independiyenteng pag-aaral upang suriin ang pagganap ng 145 alkalde sa Pilipinas ang sinurvey kamakailan ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).
Ayon kay Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD na ang 145 city mayors sa bansa ay nagbigay ng malawak na pagtingin sa kahusayan ng pamumuno sa buong kapuluan.
Nangunguna sa mga ito para sa unang quarter ay si Joy Belmonte ng Quezon City-94.35%; Eric Singson ng Candon (92.80%), Nacional Mercado ng Maasin (90.26%), Art Robes ng San Jose Del Monte (89.75%), Jonas Cortes ng Mandaue (88.89%), Denver Chua ng Cavite (88.85%), Indy Oaminal ng Ozamiz (88.78%), at Samsam Gullas Jr. ng Talisay (88.35%).
Nagbigay rin ng malaking ambag sa mahusay na pamamahala sina Bambol Tolentino ng Tagaytay (88.29%), Ahong Chan ng Lapu-Lapu (88.18), Eric Africa ng Lipa (88.13%), Benjamin Magalong ng Baguio (87.82%), Jay Diaz ng Ilagan (87.69%), Geraldine Rosal ng Legaspi (87.55%), at Sheena Tan ng Santiago (87.42%), Albee Benitez ng Bacolod (83.77%), Pat Evangelista ng Kidapawan (83.57%), Bruce Matabalao ng Cotabato (83.16%), Jerry Trenas ng Iloilo (82.94%), Darel Uy ng Dipolog (82.85%), Sitti Hataman ng Isabela (82.34%), Baste Duterte ng Davao (82.11%), Bullet Jalosjos ng Dapitan (81.92%), Joe Relampagos ng Panabo (81.83%), at Roxanne Pimentel ng Tandag (80.10%) ay nagpuno ng mga pwesto sa pang-anim hanggang walong puwesto.
Ang mahusay na pagganap sa loob ng kani-kanilang mga rehiyon at ang pagsusuri ng mga nasasakupan ay mahalaga ang mahigpit na prosesong ito ay nagbibigay parangal sa mga natatanging City Mayor.
Ang “Top City Mayors in the Philippines”, ay bahagi ng “RPMD’s Boses ng Bayan,” ay nag-poll sa 10,000 rehistradong botante mula sa lahat ng lungsod. Margin of error ±1% at 95% confidence level.