^

Police Metro

Bawal ang pagbaklas ng plaka ng sasakyan — LTO

Angie dela Cruz - Pang-masa
Bawal ang pagbaklas ng plaka ng sasakyan — LTO
Ito ang niliwanag ni LTO Chief Jay Art Tugade sa gitna ng mga reklamo ng publiko hinggil sa sina­sabing pagbabaklas ng plaka ng mga sasakyang nasasangkot sa paglabag sa batas-trapiko.
Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Mahigpit na ipinagbabawal sa mga law enforcer­ at deputized agent ng Land Transportation Office (LTO) na magbaklas ng plaka ng mga nahuhuling sasakyan.

Ito ang niliwanag ni LTO Chief Jay Art Tugade sa gitna ng mga reklamo ng publiko hinggil sa sina­sabing pagbabaklas ng plaka ng mga sasakyang nasasangkot sa paglabag sa batas-trapiko.

Nakasaad sa isang memoramdum na nilagdaan ni Tugade na ang hakbang ay tumutukoy sa probisyon ng umiiral nang Joint Administrative Order (JAO) No. 2014-01 na nagsasaad na ang lisensya sa pagmamaneho, student permit, o ang sasakyan ay maaari lamang isaila­lim sa alarma kung hindi agad maipapataw o maba­bayaran ang kaukulang multa sa hinuling drayber o sasakyan.

Nakasaad pa sa memorandum na ang lahat ng LTO law enforcers at deputized agents ay hindi dapat baklasin ang mga plaka ng mga nahuhuling sasakyan na lumabag sa batas trapiko.

Tiniyak naman ni Tugade sa publiko na ang central command center ng ahensya ay maagap na makapaghahatid ng impormasyon sa mga tauhan nito sa lansangan hinggil sa mga naka-alarmang sasakyan.

LTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with