^

Police Metro

Bahay nabagsakan ng puno ng balete: 3 patay

Danilo Garcia - Pang-masa
Bahay nabagsakan ng puno ng balete: 3 patay
Pinagtutulungan ng mga residente na lagariin ang bumagsak na puno ng Balete sa mga kabahayan sa Estero de Magdalena Recto Ave., Binondo, Manila, na ikinasawi ng tatlong katao matapos na sila ay madaganan.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang nasawi kabilang ang isang mag-ama makaraang mabagsakan ang kanilang mga bahay ng isang puno ng Balete sa may Estero de Magdalena sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Edcel Landsiola, 42; at ang mag-amang sina Jomar Portillo, 28, at John Mark, 2-taong gulang na magkayakap pa nang matagpuan.

Wala nang buhay si John Mark nang marekober ng rescue team, habang nasawi naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang kanyang ama na si Jomar at si Landsiola.

Samantala, sugatan naman sa insidente sina Katelyn Caparangan, 13; ang kanyang amang si Reynaldo Capa­rangan; Alvin Portillo 32; Gecalyn Villorigo, 22;  at isang ‘di pa kilalang biktima.

Sa ulat ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), nangyari ang insidente, alas-12:30 ng madaling araw sa nasabing estero malapit sa kanto ng Recto Avenue at Reina Regente St., Binondo.

Nasa kahimbingan ng pagtulog ang marami sa mga residente nang isang malakas na tunog ang kanilang marinig.

Akala ng iba ay bumagsak ang katabing gusali sa kanilang lugar ngunit ang malaking puno ng Balete ang bumagsak.

Nabagsakan ng puno ang mga bahay na pawang gawa sa light materials at nadaganan ang isang pader na nabiyak dahil sa bigat ng kahoy.

Mabilis namang rumesponde ang mga rescuers nang matanggap ang ulat at dakong alas-7:33 ng umaga nang mailabas ang lahat ng biktima.  

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with