^

Police Metro

Fire truck na reresponde sa sunog tumagilid: 11 sugatan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Labing-isang katao ang nasugatan nang aksi­denteng tumagilid ang isang rumerespondeng truck ng bumbero sa isang sunog sa residential area ng Barangay San Antonio, Parañaque City, kahapon.

Kinilala ang mga nasu­gatan na sina Patrick Lorenz Ortega, 17; Rollivic Salvador, 20; Salvador Fria, 29; Edcel Lopez, 18; Danilo Cruz, 56; Eugene Sacueza, 26; Ronwald De Guzman, 18; Christine Suarez, 15; Jhun Lorenz Almonte, 23; Marlo Fidelino, 27; at Jhun Carlo Tuqiero, 22.

Sa ulat, nagsimula ang sunog, alas 12:30 ng hapon sa isang bahay sa Linotype Hontiveros Compound, Fourth Estate Subdivision, Brgy. San Antonio, Parañaque.

Sa pagresponde ng Tiger Kabalikat fire volunteer group mula sa Pasay, tumagilid sa bahagi ng Sucat Road at tumilapon ang mga nakakapit na fire volunteers bago pa makalapit sa nasusunog na lugar.

FIRE TRUCK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with