^

Police Metro

Presyo ng sibuyas, di aabot sa P700 kada kilo

Mer Layson - Pang-masa
Presyo ng sibuyas, di aabot sa P700 kada kilo
A porter pushes a cart loaded with red onions in Binondo, Manila on May 16, 2023.
STAR/Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Hindi na aabot hanggang P700 ang presyo ng kada kilo ng sibuyas sa bansa, tulad ng nangyari noong nakaraang panahon ng Kapaskuhan.

Ito ang tiniyak kahapon ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Rex Estoperez, sa gitna na rin nang patuloy na pagtaas ng presyo ng sibuyas sa mga pamilihan.

Ayon kay Estoperez, hindi na mangyayari ang sobrang pagmahal ng presyo ng sibuyas dahil mayroon pa namang mga stock ng sibuyas sa mga cold storage.

“Hindi na babalik ‘yon kasi kung talagang puwersahan na, let’s open the warehouses kasi it’s emergency already na ganoon ang presyo ulit,” paliwanag pa niya sa panayam sa teleradyo.

Matatandaang noong holiday season ay sumikad ng hanggang P700 kada kilo ang presyo ng sibuyas sa bansa, bunsod ng kakulangan nito ng suplay.

Unti-unti namang napababa ang presyo ng sibuyas nang umangkat na ang pamahalaan sa ibang bansa at umani na rin ng kanilang mga pananim ang mga magsasaka.

vuukle comment

ONION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with