^

Police Metro

Pag-angkat ng asukal, aprub kay Pangulong Marcos

Malou Escudero - Pang-masa
Pag-angkat ng asukal, aprub kay Pangulong Marcos
Workers repack different types of sugar at a store in Visayas Avenue Wet and Dry Public Market in Quezon City on February 16, 2023.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Kasunod ng rekomen­dasyon ng Sugar Re­gulatory Administration (SRA) na patatagin ang presyo at palakasin ang stock ng bansa ay ina­prubahan kahapon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang karagdagang importasyon ng asukal.

Sinabi ni Marcos na pumayag sila sa karagdagang pag-aangkat ng asukal upang patatagin ang presyo pero hindi ito dapat lumampas ang aangkatin sa 150,000 metriko tonelada.

Sinabi ni Marcos na ang  eksaktong halaga ay matutukoy kapag natukoy na ang eksaktong halaga ng supply, na darating sa katapusan ng buwan.

Dagdag pa niya, binubuksan ng gobyerno ang pag-aangkat ng asukal sa lahat ng mga manga­ngalakal.

Ayon sa forecast ng imbentaryo ng SRA, ang bansa ay magkakaroon ng negatibong ending stock na 552,835 MT sa pagtatapos ng Agosto 2023, sa pagtatapos ng milling season, at pag-aangkat ng isa pang 100,000 MT hanggang 150,000 MT ng asukal na kinakaila­ngan upang maiwasan ang kakulangan.

Sinabi ng SRA na noong Mayo 7, 2023, ang bansa ay may sapat na suplay ng raw sugar na may panimulang stock na 160,000MT.

Gayunpaman, kaka­ilanganin pa rin ng bansa na mag-import ng karagdagang 100,000 hanggang 150,000 MT ng asukal sa taong ito dahil ang inaasahang lokal na produksyon na 2.4MMT at ang 440,000 MT ay pinapayagang ma-import sa ilalim ng SO No. 6, s. 2022-2023 gayundin ang 64,050 MT sa ilalim ng mekanismo ng Minimum Access Volume (MAV) ay hindi makakasagot sa 3.1MMT demand.

FERDINAND MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with