^

Police Metro

Ilonggo wagi ng P225 milyon jackpot sa lotto

Mer Layson - Pang-masa
Ilonggo wagi ng P225 milyon jackpot sa lotto
Stock photo of a lotto outlet.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Isa nang instant multi-millionaire ang isang Ilonggo o residente sa Ilo­ilo matapos na pinalad na magwagi sa P225-milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes ng gabi.

Sa advisory ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 14-05-44-25-01-36 ng MegaLotto 6/45 na may total jackpot prize na P225,248,638.

Ayon sa PCSO, nabili ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Pavia, Iloilo.

Pinayuhan naman ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang lucky winner na upang makubra ang kanyang prem­yo ay magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.

Kailangan din aniya nitong iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong ID.

Pinaalalahanan ni Robles ang bagong lotto multi-millionaire na ang lahat ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon, mula sa araw ng pagbola dito, ay otomatikong mapupunta sa kawanggawa. Ang lahat ng premyong lampas naman sa P10,000 ay otomatikong papatawan ng 20% tax, alinsunod sa TRAIN Law.

Samantala, muling hinikayat ni Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga PCSO games, partikular na ang lotto, upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo, ay makatulong pa sa kawanggawa. — Angie dela Cruz

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with