MANILA, Philippines — Sa nakalipas na tatlong buwan ay mas kakaunting pamilyang Pinoy na lang ang nakaranas ng involuntary hunger, o gutom dahil walang kahit anong makain.
Ito ang lumabas na resulta sa survey ng Social Weather Station na ikinasa mula Marso 26 hanggang 29, nasa 9.8% ng mga pamilyang Pilipino o nasa 2.7 milyon ang nakaranas ng involuntary hunger.
Mas mababa ito sa 11.8% o tatlong milyong pamilya noong Disyembre 2022, at 11.3% o 2.9 milyong pamilya noong Oktubre 2022.
Sa kabila nito, mas mataas pa rin ang kasalukuyang bilang sa 8.8% o 2.1 milyong pamilya na nakaranas ng gutom, kumpara noong Disyembre 2019 o bago ang COVID-19 pandemic.
Ang first quarter survey ng SWS ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adult respondents sa edad 18 pataas sa buong bansa.