MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Manila Electric Company (Meralco) ang kanilang mga kustomer na magtipid sa pagggamit ng kuryente. Ito’y matapos nilang ianunsyo kamakalawa ang halos 18 centavos per kilowatthour na dagdag sa singil sa kuryente ngayong buwan ng Mayo.
Ayon sa Meralco, kasama sa mga pwedeng gawin ng mga komokunsumo ng kuryente ang pagtanggal sa saksakan ng appliances kapag hindi ginagamit, paggamit ng LED bulb sa mga pailaw, maramihang pamamalantsa ng mga damit sa halip na paisa-isa; at regular na paglinis ng air conditioner filters.
Pinayuhan din ng Meralco ang kanilang mga kustomer na gumamit ng Meralco mobile app appliance calculator para ma-control ang gamit nila ng kuryente at malaman ang laki ng kanilang konsumo sa appliances at gadgets.
Nabatid na tumaas ang presyo ng kuryente ngayong Mayo dahil sa pagmahal ng kuryente sa wholesale electricity spot market (WESM) at sa iba pang supplier.