19th Congress, nakapokus para maibsan ang kahirapan ng mga mamamayan

MANILA, Philippines — Kapansin-pansin na nakasentro ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga panukalang mga batas para sa mga mahihirap.

Ito ang inihayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at nasa 3rd reading na ang pagbasura ng ‘no permit, no exam policy’ ng mga paaralan.

Lusot na rin sa 3rd and final reading ang panukalang batas na bigyan ng P1 milyon ang bawat senior citizen na umabot ng 100 years old. Bukod sa mga pa­nukalang batas na pro-poor, nakabantay ang Kongreso sa mga problema ng bayan tulad nang pagsirit ng presyo ng sibuyas dahil nagkaka­u­busan ang suplay noon.

Ayon kay Speaker, “nagpa-imbestiga kami sa Kongreso at napatunayan namin na tinatago ang suplay para magmahal ang sibuyas.”

Panghuli, sinabi ni Romualdez na, “I assure you na this Congress will focus more sa ikagiginhawa ng buhay ng mga kababayan natin lalo na yung mga mahihirap.”

Show comments