Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, bumaba

Individuals queue at the quadrangle of Marikina City Hall to look for jobs on Labor Day, May 1, 2023.
STAR/Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippines Statistics Authority (PSA) na bahagyang bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho noong nakaraang buwan ng Marso.

Base sa impormasyon mula sa PSA, 4.7 percent ang naitalang jobless rate sa bansa noong Marso, mababa sa 4.8 percent noong Pebrero.

Ito ay higit isang porsiyento naman ito mababa kum­para sa naitala na 5.8 porsiyento noong Marso 2022.

Nangangahulugan na 2.42 milyon noong Marso ang walang trabaho sa 51 mil­yong Pinoy na nasa “labor force.”

Sa unang tatlong buwan, ang unemployment rate ay may average na 4.8 percent mas mababa sa 6.2 percent na naitala sa katulad na panahon noong naka­raang taon.

Show comments