P1.43 bilyong puslit na sigarilyo mula sa China, winasak ng BOC

Naging posible ito dahil sa pamumuno nina Intelligence Group (IG) Deputy Commissioner Juvymax Uy at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Director Verne Enciso kasunod ng major apprehension na isinagawa sa isang bodega na puno ng mga sigarilyo sa Indanan, Sulu noong Marso, base sa ulat ni POZ Acting District Collector Engineer Arthur G. Sevilla, Jr.
Roel Pareño, File

MANILA, Philippines — Itinuturing na biggest haul ng mga illicit cigarettes sa kasaysayan ng Pilipinas ang pagwasak ng Bureau of Customs Port of Zamboanga (BOC-POZ) ang kabuuang 19,419 cases at 667 reams ng smuggled cigarettes sa isang Customs-rented warehouse sa Brgy. Baliwasan, Zamboanga City noong Biyernes.

Naging posible ito dahil sa pamumuno nina Intelligence Group (IG) Deputy Commissioner Juvymax Uy at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Director Verne Enciso kasunod ng major apprehension na isinagawa sa isang bodega na puno ng mga sigarilyo sa Indanan, Sulu noong Marso, base sa ulat ni POZ Acting District Collector Engineer Arthur G. Sevilla, Jr.

Kasama ang mga ki­natawan mula sa Commission on Audit (COA), local government unit, operating units mula sa partner agencies, gayundin ng iba pang stakehol­ders, winasak ng BOC ang mga puslit na sigarilyong mula sa China na nagkakahalaga ng P1,439,586,900 na nakumpiska mula sa iba’t ibang anti-smuggling ope­rations sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi sa unang bahagi ng taong ito.

Nabatid na ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Manila International Container Port (MICP) ang siyang nagsagawa ng anti-smuggling ope­rations sa Indanan, Sulu noong nakaraang Marso, na nagresulta sa major apprehension ng isang warehouse na may 19,000 master cases.

Ang mga naturang master cases ng sigarilyo ay kinumpiska dahil sa paglabag sa Section 117 ng R.A. 10863 o The Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) of 2016 in relation to Executive Order Number 245” o mas kilala sa tawag na “Amended Rules and Regulations Governing the Exportation and Importation of Leaf Tobacco and Tobacco Products.”

Sa ginawang pagwasak, ang mga sigarilyo ay ibinabad sa tubig at paulit-ulit na pinitpit at dinurog gamit ang isang payloader equipment sa harapan ng lahat ng partner agencies at stakeholders.

“The big bulk of the smuggled cigarettes was seized in Indanan, Sulu and it’s now destroyed and will be disposed in a sanitary landfill,” ayon naman kay Intelligence Officer 3 Alvin Enciso, hepe ng CIIS-MICP.

Aniya, ang transporting process ay inaasahang magtatagal sa loob ng 3-5 araw dahil sa dami ng mga winasak na sigarilyo.

Show comments