VP Sara binigyang-pugay ang mga manggagawang Pinoy
MANILA, Philippines — Kasabay nang pagdiriwang ng bansa sa Araw ng Paggawa o Labor Day kahapon ay binigyang-pugay ni Vice President Sara Duterte ang bawat manggagawang Pilipino.
Kinilala rin ng bise presidente at pinarangalan ang mga sakripisyo ng mga masisipag, mahuhusay, at masisigasig na manggagawang Pilipino na nagtatrabaho hindi lamang para sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya, kundi para sa bansa.
“The Marcos administration stands in solidarity with you and supports your rights as workers, advocating for better labor conditions, promoting better training and upskilling, and seeking ways to improve the employability of the Filipino workforce,” ayon pa kay Duterte, sa isang pahayag.
Dagdag pa ng bise presidente, “We recognize the need for more decent and quality jobs that are fulfilling and supportive of individual growth and push for the emergence of a work culture that understands the evolving demands of competing responsibilities as a global workforce and as a responsible family member.”
Siniguro rin niya na patuloy nilang tinututukan ang kahalagahan ng kapakanan ng mga manggagawa dahil sila aniya ang pinakamahalagang pundasyon ng nation-building.
Ani VP Sara, ang progreso at tagumpay ng mga manggagawa ay malaking kontribusyon sa pagkakaroon ng mas dynamic na ekonomiya at nagpapakita rin ng bunga ng kanilang bisyon na maiangat ang buhay ng mga mamamayang Pilipino.
Kasabay nito, hinikayat din ni Duterte ang lahat na makiisa na isulong ang work culture na nagpapahalaga sa mental health at kapakanan ng mga mamamayan.
Pinasalamatan din niya ang mga manggagawang Pilipino at sinabing, “Kasama ninyo kaming naninindigan sa pag-asang matupad natin ang ating pangarap na isang progresibo, inklusibo at matatag na Pilipinas. Lahat – para sa Diyos, sa bayan, at sa bawat pamilyang Pilipino.”
- Latest