^

Police Metro

Vice President Sara, caretaker ng bansa habang nasa Washington si Marcos

Mer Layson - Pang-masa
Vice President Sara, caretaker ng bansa habang nasa Washington si Marcos
Vice President Sara Duterte iscuss the memorandum, agenda, and priorities of the Department of Education during the alignment meeting between the Second Congressional Commission on Education (EDCOMII) and the Department of Education (DepEd) in the Senate on April 13, 2023.
STAR/Mong Pintolo

MANILA, Philippines — Pansamantalang magiging caretaker ng bansa si Vice President Sara Duterte habang nasa Washington si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa isang official visit.

Mismong si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil ang nagkumpirma nito kahapon.

Si Pang. Marcos ay lumipad mula Maynila patungong Washington, DC nitong Linggo ng hapon para sa isang bilateral talk kay US President Joe Biden ngayong Lunes, Mayo 1. Inaasahang magkakaroon rin siya ng expanded mee­ting kasama ang iba pang opisyal ng Amerika, kung saan tatalakayin ang pagnanais ng pangulo na magkaroon ng mapayapang South China Sea sa kanyang pagbisita.

Isusulong rin umano ng pangulo ang mga economic agenda ng Pilipinas.

Mananatili ang pa­ngulo sa Washington, DC hanggang sa Mayo 4. — Gemma Garcia

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with