Access sa socmed sites tatanggalin - DICT

People use their mobile phones in Manila on Dec. 27, 2022, the first day of registering SIM cards for pre-paid subscribers.
STAR / Edd Gumban

Unregistered SIM cards..

MANILA, Philippines — Kung sa loob ng 90-day extension ng SIM card re­gistration ay hindi pa rin inirerehistro ng mga may-ari ay unti-unting tatanggalin ng Department of Information Communications Technology (DICT) ang mga featured services ng mga SIM cards.

Sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy na ito ay ilan lamang sa mga ‘insentibo’ na pinag-aaralan nila sa ngayon upang mabigyan ng ‘aral’ ang mga SIM card owners na ayaw pa ring tumalima sa deadline ng pagrerehistro ng SIM cards.

“So ‘yung matitigas yung mga ulo, they wanted some convincing, whether we’re serious or not, makakatikim sila nitong mga ‘incentives’ namin,” babala pa ni Uy.

Ipinaliwanag pa ni Uy na sa panahon ng 90-day extension ay oobserbahan nila ang rate ng registration.

Matapos aniya ang 30 o hanggang 60-araw ng ektensiyon at marami pa rin ang hindi nagrerehistro ay sisimulan na nila ang unti-unting pag-deactivate ng ilang serbisyo ng SIM cards ng mga ito.

Kabilang aniya sa mga ikinukonsidera nila ay ang pagtatanggal ng access sa social media sites ng mga unregistered SIM subscribers.

Gayunman, papayagan pa rin silang makapag-text at makatawag gamit ang kanilang mga numero.

Sa sandaling matapos na ang 90-day period, tuluyan na nilang ide-deactivate o aalisin ang lahat ng serbisyo ng SIM cards na hindi pa rin inirerehistro ng may-ari nito.

Ang SIM card registration ay nakatakda sanang magtapos ngayong Miyerkules, Abril 26, ngunit ipinasya ng pamahalaan na palawigin pa ito ng 90-araw dahil mahigit kalahati o 52.04% pa lamang ng kabuuang SIM cards na naipagbili sa bansa ang nairerehistro hanggang nitong Abril 24, 2023.

Show comments