PNR train nadiskaril sa Makati City

Nadiskaril kahapon ang isang tren ng PNR sa kahabaan ng Southbound tracks ng Don Bosco, Makati City, naganap kahapon ng alas-11:20 ng umaga na kung saan ay may 400 pasahero at staff.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Isang tren ng Philippine National Railways (PNR) ang nadiskaril habang bumibiyahe sa may Makati City, kahapon ng umaga.

Ayon kay PNR operations manager Jo Jeronimo, bago naganap ang insidente, alas-11:30 ng umaga ay galing ang tren sa Tutuban sa Maynila at patungo ng Alabang sa Muntinlupa nang madiskaril ang unahang bahagi nito sa riles.

Sumadsad ang train head sa graba at lupa habang nanatili naman ang ibang bagon sa riles.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Makati City Police at train marshalls sa lugar ng insidente. Masuwerte namang walang naiulat na malubhang nasaktan sa pangyayari pero nagdulot naman ng mabigat na daloy ng trapiko sa Quirino Highway. - Mer Layson

Show comments