Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo, asahan muli

Motorists refuel at a gas station in Philcoa Avenue, Quezon City on April 10, 2023.

MANILA, Philippines — Isa na namang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ipatutupad ng mga kum­panya ng langis, na inaasahan sa susunod na linggo.

Sa abiso ng mga oil industry players, nabatid na magkakaroon ng pagbaba sa presyo ng diesel sa Martes.

Samantala, sa ikatlong sunod na linggo ay tataas naman ang mga presyo ng gasolina at kerosone.

Nabatid na aabot sa P0.30 kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina habang P0.20 kada litro naman ang dagdag sa presyo ng kerosene.

Ang presyo naman ng diesel ay magkakaroon ng tapyas na P0.40 hanggang P0.70 kada litro.

Show comments