MANILA, Philippines — Ipinahayag kahapon ng Supreme Court na nasa 3,992 sa 9,183 kumuha ng Bar o 43.47 percent nakapasa sa 2022 Bar Exams na mas mababa sa naitala noong nakaraang taon na 72.28 percent passing rate.
Nagmula sa University of the Philippines ang Top 5 examinees, mula sa University of San Carlos ang Top 6, mula sa San Beda Alabang ang Top 7, habang inokupahan ng Ateneo De Manila University ang Top 8, 9 at 10.
Sinabi ni Bar Chair Justice Alfredo Benjamin Caguioa na ang oath-taking ceremony para sa mga nakapasa ay gaganapin sa Mayo 2 sa Philippine International Convention Center (PICC).
“May your new success be but a door that opens to ever meaningful opportunities for you to breathe life to the law in a way that is consistent with its spirit and in a manner that brings hope to the people and honor to your country, which would well and truly give this accomplishment what perhaps may be its highest worth,” bilin sa mga nakapasa.
Para naman sa hindi pinalad, huwag panghinaan ng loob dahil sa hindi natitimbang ng pagkabigo sa Bar Exam ang kanilang totoong halaga.