2 bomba, nakita sa loob ng isang bahay sa Maynila

Sinusuri ng isang miyembro ng Manila Police District-Explosive Ordnance Division (MPD-EOD) ang isinukong 2 pirasong 81mm mortar cartridges ng isang residente ng Sampaloc, Maynila na koleksyon umano ng yumao nitong tatay.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Isang residente ang nakakita ng dalawang bomba sa mga gamit ng kanyang yumaong ama sa kanilang bahay sa Brgy. 478 Sampaloc, Maynila.

Ayon kay Vin Orias, ang residenteng nakakita ng mga bomba sa loob ng kanilang bahay, nililinisan niya ang mga gamit ng kan­yang ama na namatay noong nakaraang taon nang makita ang dalawang bomb na nakalagay sa cylinder.

Aniya, laking gulat nila ng mga kasama niya sa bahay dahil hindi nila alam na may mga bombang iti­nago ang kanilang ama na nagtrabaho sa isang kumpanya na nagsagawa ng oil explorations.

Agad nila itong ipinagbigay-alam sa mga otori­dad ang tungkol sa mga bomba, agad na nagsagawa ng threat assessment ang mga tauhan ng Manila Po­lice District (MPD).

Base sa pagsusuri ng MPD, para sa 81mm mortar ang mga bomba, na maa­aring nakuha ng ama ni Vin sa mga minahan kung saan siya nagtatrabaho.

Lubha umanong mapaminsala ang ganoong uri ng bomba kaya mabuti umanong isinurender ito sa kanila, ayon sa MPD.

Hindi umano mahaharap sa anumang reklamo ang pamilyang nag-surrender ng mga bomba dahil “in good faith” ang pagbigay nila sa mga otoridad.

Pero, nilinaw ng MPD na bawal na bawal ang pag­tatago ng anumang uri ng pampasabog.

“Authorized personnel lamang ang dapat may hawak ng mga ganito,” ayon kay Police Lt. Leo Limbaga, Manila DECU chief.

Show comments