Semana Santa ‘generally peaceful’ - PNP

Catholic devotees chant the passion of Jesus Christ during a traditional “pabasa” at the National Shrine of Our Lady of Lourdes in Quezon City on April 4, 2023.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine National Police (PNP) na mapayapa sa pangkalahatan ang pagdiriwang  ng Semana Santa sa bansa nitong nakalipas na Linggo.

“Naging maayos at mapayapa naman pang­kalahatan ang naging paggunita po ng Semana Santa ngayong taon,” wika ni PNP spokesperson P/Col. Jean Fajardo.

Mayroon din nangya­ring maliit na krimen ang napaulat sa mahabang bakasyon tulad ng 2 theft incidents, 2 robbery incidents, at isang kaso ng  physical injury.

“Ito ay mas mababa po kung ikukumpara natin iyan sa nagdaang taon,” wika ni Fajardo.

Anya, kahit na mababa ang napaulat na krimen ay patuloy pa rin na nasa heightened alert ang kapulisan hanggang ngayong araw.

Nabatid na mahigit 78,000 police personnel ang idineploy sa buong bansa bago ang Semana Santa at patuloy ang mga ito na nasa kanilang area hanggang kahapon.

“Nandoon pa rin po sila sa major thoroughfares at doon sa mga terminal, sa mga pantalan at airport, dahil inaasahan nga po natin na simula kahapon, ngayon hanggang bukas po ay magsisibalikan naman po mula sa kani-kanilang mga probinsya iyong ating mga kababayan pabalik po ng Metro Manila,” wika pa ni Fajardo.

Show comments