Mabagal na daloy ng trapiko sa EDSA asahan na - MMDA

Nagsimula na kahapon ang pagdagsa ng mga motorista sa Metro Manila mula sa kanilang mahabang pagbabakasyon sa mga lalawigan sa Norte simula nitong Semana Santa.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Inihayag ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na asahan ngayong araw ang mas matinding pagbagal sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA.

Ito ay dahil na rin sa pagbabalik-trabaho ng mga kawani ng pribado at gobyernong tanggapan matapos ang Semana Santa.

Sinabi ni Col. Bong Nebrija, hepe ng Task Force Operation and Anti-Colorum Unit ng MMDA, na nakikita ng ahensya ang pagdami ng mga motorista at provincial bus sa Martes.

Kabilang din aniya, kasi ang mga bakasyo­nistang last minute na mag-sisibalikan sa Me­tro Manila para magtrabaho o pumasok sa eskwela.

Normal na rin aniya kahapon ang operasyon ng mga pampublikong transportasyon kahapon.

Show comments