Mabagal na daloy ng trapiko sa EDSA asahan na - MMDA
MANILA, Philippines — Inihayag ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na asahan ngayong araw ang mas matinding pagbagal sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA.
Ito ay dahil na rin sa pagbabalik-trabaho ng mga kawani ng pribado at gobyernong tanggapan matapos ang Semana Santa.
Sinabi ni Col. Bong Nebrija, hepe ng Task Force Operation and Anti-Colorum Unit ng MMDA, na nakikita ng ahensya ang pagdami ng mga motorista at provincial bus sa Martes.
Kabilang din aniya, kasi ang mga bakasyonistang last minute na mag-sisibalikan sa Metro Manila para magtrabaho o pumasok sa eskwela.
Normal na rin aniya kahapon ang operasyon ng mga pampublikong transportasyon kahapon.
- Latest