72 katao nalunod nitong Holy Week - PNP

Local residents and tourists flock to a beach resort in Lemery, Batangas on April 8, 2023.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Philippine National Police (PNP) na naitala ang pitumput dalawang insidente nang pagkalunod sa iba’t ibang resort sa buong bansa nitong nakalipas na Holy Week.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, ang mga insidente ay naitala sa Calabarzon, Ilocos, Bicol at Central Luzon.

Anya, ang pagdagsa ng mga bakasyunista at bunsod ng mahabang holidays at matagal na pananatili sa mga tahanan dahil sa COVID-19.

Ang mga namatay ay bunga ng kawalan ng bantay sa mga bata habang naglalangoy at kalasingan.

“Nakita natin sa report, particularly ‘yung mga minor po, napaba­yaang naglalangoy sa dagat at biglang napunta doon sa malalim na bahagi. ‘Yung iba naman po sa swimming pools,” dagdag pa ni Fajardo.

Itinuturing ni Fajardo  na “unusual” at mataas ang bilang ng mga nasawi kumpara sa nagdaang mga taon.

Ani Fajardo, siksikan ang mga resort at mga beach kaya nahirapan ding marespondehan agad ang lugar ng pinangyarihan ng insidente.

Show comments