Number coding sa Makati sa Abril 6, 7 at 10 suspendido
MANILA, Philippines — Pansamantalang suspendido ang pagpapatupad ng number coding scheme sa mga sasakyan sa Makati City sa Mahal na Araw.
Sa abiso na inilabas, hindi ipatutupad ang number coding scheme sa Makati City sa Abril 6 (Holy Thursday), Abril 7 (Good Friday), at Abril 10 (Araw ng Kagitingan).
Ang nasabing advisory ng Makati City government nitong Biyernes hinggil sa pagsuspinde ng number coding scheme, ay hiwalay sa ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa iba pang mga lungsod sa National Capital Region (NCR).
Una nang nag-anunsyo ang MMDA na susupendihin ang Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Metro Manila mula Abril 6 hanggang Abril 10.
Ang Abril 6 at 7 at regular holidays habang sa Abril 8 (Black Saturday) ay special non-working holiday.
- Latest