^

Police Metro

7 suspek sa Cebu hazing, kinasuhan na

Neil Servallos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pitong suspek na sangkot sa pagkamatay ng University of Cebu student na si Ronnel Baguio noong Disyembre 2022 ang sinampahan na ng kasong homicide at violation of Anti-Hazing Act.

Tumanggi ang Public Attorney’s Office Region 7 na pangalanan ang mga respondents dahil nagpapatuloy pa ang preliminary investigation kaugnay nito.

Ayon sa pulisya, mayroon silang matibay na ebidensya laban sa mga suspek at kabilang dito ang isang guro.

Matatandaan na si Baguio ay pumanaw ilang araw matapos itong sumailalim sa initiation rites ng Tau Gamma Phi fraternity sa Cebu City.

Batay sa kanyang death certificate, nagtamo siya ng severe acute respiratory distress syndrome secondary to indirect lung injury at acute kidney injury secondary to rhabdomyolysis.

Umaasa naman ang ina ni Baguio na makakakuha ng hustisya ang kanyang anak.

vuukle comment

ANTI-HAZING ACT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with