MANILA, Philippines — Simula sa Lunes (Marso 27) ay sisimulan na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang paghuli sa mga motoristang papasok ng motorcycle lane sa Commonwealth Avenue, QC.
Ayon sa MMDA, sapat na ang ibinigay nilang panahon para maintindihan ng mga motorista ang tungkol sa paggamit sa exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue.
Sa isinagawang dry run dito, mayroong 18, 869 motorista ang nasita sa motorcycle lane mula March 9 hanggang March 23.
Base sa datos ng MMDA, 4,175 sa mga nasita ay mga motorcycle riders at 14,694 naman ay pawang four-wheel vehicles mula sa Elliptical Road hanggang Doña Carmen at vice versa.