^

Police Metro

Oil spill umabot na sa Verde Island sa Batangas

Arnell Ozaeta - Pang-masa
Oil spill umabot na sa Verde Island sa Batangas
Philippine Coast Guard personnel conduct coastal cleanup on Tuesday in Sitio Bagong Silang, Barangay Buhay na Tubig in Pola, Oriental Mindoro, which was affected by an oil spill from the sunken MT Princess Empress.
Photo courtesy of the PCG

MANILA, Philippines — Umabot na sa karagatan ng dalawang barangay ng Isla Verde sa Batangas ang oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro noong February 28.

Ayon kay Capt. Victorino Acosta, hepe ng Batangas Coastguard, bago mag-alas-8:00 ng umaga nang mamataan ng mga mangingisda at mga tauhan ng Batangas Coastguard ang lumulutang na mga bakas ng langis sa karagatang sakop ng mga Barangay San Agapito at Barangay San Agustin ng Isla Verde.

Nagsagawa ng pa­ngo­ngolekta ng langis ang mga residente kasama ang mga tauhan ng coastguard para maiwasan ang pagkalat ng langis sa  naturang lugar.

Naglatag na rin ng improvised spill boom na gawa sa coconut husk at empty plastic bottle sa pa­ligid ng dalampasigan para masala ang mga langis.

Nanawagan naman si Capt. Acosta sa mga residente ng mga barangay sa isla na mag-donate ng plastic bottle na pwedeng gamiting floaters, lambat at nylon chord para sa paggawa ng improvised oil spill boom.

Samantala, sinabi ni Office of Civil Defense Information Officer, Diego Agustin Mariano, na posibleng abutin pa ng Disyembre 2023 ang paglilinis sa karagatan na apektado ng  oil spill.

Napag-alaman din kay Mariano na aabutin pa ng ilang taon bago tuluyang matanggal ang epekto nito sa karagatan, dahil nagdulot na ang oil spill ng pinsala sa biodiversity, marine life, kabuhayan at kalusugan ng mga residente. - Doris Franche-Borja, Danilo Garcia

OIL SPILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with