^

Police Metro

Marcos umaasa pa rin sa P20/kilo na bigas

Malou Escudero - Pang-masa
Marcos umaasa pa rin sa P20/kilo na bigas
A vendor sells a variety of rice products at the Antipolo market on May 13, 2022.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nais ng pamahalaan na maitawid sa P20 kada kilo ang bigas upang maging mas abot-kaya ng mga Filipino.

Ito ang isa sa laman ng naging talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang pangunahan ang paglulunsad ng unang Kadiwa ng Pa­ngulo sa Bicol Region.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa paglulunsad ng Kadiwa sa Pili, Camarines Sur, sinabi nito na ang programa, nagsimula bilang Kadiwa ng Pasko noong nakaraang taon ay naging matagumpay sa paghahain ng abot-kayang ha­laga ng mga pangunahing bilihin sa mga tao.

“Makikita ninyo, halimbawa ‘yung bigas, ‘yung aking pangarap na sinabi na noong bago akong upo na sana mapababa natin ang presyo ng bigas ng P20. Hindi pa tayo umaabot doon, dahan-dahan palapit. Nasa P25 na tayo. Kaunti na lang, maibababa natin ‘yan,” ayon sa Pangulo.

“Tapos ‘yung ginawa natin, halimbawa doon sa sibuyas, ganoon din para… Biglang nagtaasan lahat eh kulang sa produksyon. Ginawa namin ay dinagdagan namin para bumaba rin ang pres­yo,” dagdag na wika ng Pangulo.

Sa kabilang dako, tinukoy naman ng Punong Ehekutibo ang kahalintulad na inisyatiba na ginamit ng pamahalaan nang sumi­rit ang presyo ng asukal sa mahigit na P100 kada kilo, ang presyo ng asukal ngayon ay P85 kada kilo.

vuukle comment

RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with