^

Police Metro

2 pulis na nagsinungaling, ipinakulong ng Senado

Gemma Garcia - Pang-masa
2 pulis na nagsinungaling, ipinakulong ng Senado
Pinakulong ng senado sina P/SMS Jerrywin Rebosora at P/MSgt Lorenzo Cata­rata nang ito ay magsinungaling sa imbestigasyon ng Senado tungkol sa illegal drugs. Ang dalawang pulis ay inakusahan na binawasan ng 2 kilo ang 42 kilo ng shabu na nakumpiska sa drug raid at nang malaman na nakunan ng CCTV ay binalik nila ang kanilang binawas.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Dahil sa umano’y pagsisinungaling sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous­ Drugs ay pina-contempt at ipinakulong ng Senado ang dalawang pulis.

Humarap sa pagdinig ng komite sina Police Master Sergeants Jerwin Rebosora at Lorenzo Catarata kaugnay sa pagkakaaresto kay PMSgt. Rodolfo Mayo Jr. sa isang anti-drug ope­rative na nahulihan ng 996 kilo o halos isang tonelada ng shabu sa Tondo, Maynila noong Oktubre 2022.

Sa naturang pagdinig sinabi ni Police Major Ge­neral Eleseo Cruz, PNP director for Investigation and Detection Management na may nakuha silang CCTV footage na nagbibigay ng circumstancial evidence na may tatlong pulis na maa­aring bumawas ng droga na nakuha kay Mayo.

Noong una ay naghinala umano sila na nabawasan ng 30 kilos ang shabu subalit ang naibalik sa kanila ay 40 kilos at nakuha ito sa isang sasakyan na inabandona sa harap ng opisina ng gusali ng public safety mutual benefit fund incorporated na harap ng Camp Crame sa Santolan Road, Quezon City.

Nakita rin sa CCTV sa sasakyan na narekober ang shabu ang tatlong pulis na humuli kay Mayo na sina Jimenez, Rebosora at Catarata.

Hindi naman dumating sa hearing si Jimenez dahil nagbitiw na habang kinompronta naman nina Senators Ronald dela Rosa at Raffy Tulfo sina Catarata at Rebosora na kapwa itinanggi na sila ang nasa CCTV dahil nasa kainan lang sila malapit sa sasakyan.

Nanindigan si Gen. Cruz na sila ang nasa CCTV footage kaya para kay Dela Rosa at Tulfo dapat silang ipa-con­tempt at ipakulong sa Senado.

POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with