^

Police Metro

7 frat members sabit sa Salilig hazing slay

Danilo Garcia - Pang-masa
7 frat members sabit sa Salilig hazing slay
Ito ay may kaugnayan sa kaso ng pag­kamatay ni Adamson University student John Matthew Salilig sa hinihinalang hazing.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Pitong miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity ang nakitaan ng sapat na ebidensiya ng Department of Justice (DOJ) sa paglabag sa anti-hazing law kaya’t nakatakda itong sampahan ng kaso.

Ito ay may kaugnayan sa kaso ng pag­kamatay ni Adamson University student John Matthew Salilig sa hinihinalang hazing.

Bukod sa pagkamatay­ ni Salilig, ka­kasuhan din ang mga miyembro ng fraternity sa pinsala naman na inabot ng neo­phyte na si Roi Osmund Dela Cruz.

Kabilang sa sasampahan ng mga kasong Anti-Hazing Act of 2018 sina: Earl Anthony Romero, a.k.a. Slaughter­; Tung Cheng Benitez, a.k.a. Nike; Jerome­ Ochoco Balot, a.k.a. Allie; Sandro Dasalla Victorino, a.k.a. Loki; Michael Lambert Ricalde, a.k.a. Alcazar; Mark Muñoz Pedrosa, a.k.a. Macoy; at Daniel Delos Reyes, a.k.a. Sting.

“In finding probable cause against the respondents, the panel explained in its resolution dated 13 March 2023 that all of the above-mentioned respondents planned and actually participated in hazing­ the recruits by way of paddling,” saad ng DOJ sa inilabas na resolusyon.

Isasampa ang kaso sa Biñan City, Laguna Regional Trial Court.

Napatunayan umano ng mga complainant na naging dahilan ng pagkamatay ni Salilig ang mga tinamo niyang mga pinsala dulot ng pananakit sa hazing.

Naghain rin ng hiwalay na reklamo noong Marso 10 ang pamilya ni Salilig at Dela Cruz laban sa 12 personalidad.

Isa pang set ng reklamo ang isi­nampa­­ naman nina Alexander Marcelo at Earl Justine Abuda laban sa 18 katao. Ma­­ta­tan­daan na noong Pebrero 28 ay na­tag­puan­ ang bangkay ni Salilig na na­ka­baon sa bakanteng lote sa Imus City, Cavite 10 araw ma­kalipas itong ideklarang nawawala.

vuukle comment

DOJ

JOHN MATTHEW SALILIG

TAU GAMMA PHI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with