^

Police Metro

Philippine Heart Center (PHC) Annex, ipapatayo ni PBBM sa Clark Freeport Zone

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtatayo ng Philippine Heart Center (PHC) Annex sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Layon nito na dalhin ang dekalidad na healthcare malapit sa mga Pilipino. “Subject to limitations under existing laws, rules and regulations, the National Government shall establish the Philippine Heart Center Annex in Clark Freeport Zone, Pampanga (PHC Clark), which will primarily render specialized medical services for the prevention and treatment of cardiovascular diseases,” ang nakasaad sa Executive Order (EO) No. 19 na tinintahan ni Pangulong Marcos noong Marso 8.

Sinasabi pa rin sa EO No.19 na karamihan sa mga Pilipino ay nagdurusa mula sa cardiovascular diseases na kailangan pang bumiyahe sa Kalakhang Maynila kung saan matatagpuan ang Philippine Heart Center.

Base sa datos mula sa Philippine Statistics Autho­rity, ang cardiovascular diseases ang pangunahing dahilan ng pagkamatay sa bansa “as of October 31, 2022.”

Ang PHC ay itinatag sa ilalim ng  Presidential Decree No. 673 (s. 1975), ay ang natatanging specialty hospital sa Pilipinas na nagbibigay ng specialized medical services sa mga Pilipino na nagdurusa mula sa cardiovascular diseases.

PHC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with