^

Police Metro

Transport group kay Marcos: PUV modernization suspendihin

Mer Layson - Pang-masa
Transport group kay Marcos: PUV modernization suspendihin
Members of the jeepney organization Manibela and League of Filipino Students (LFS) stage a protest rally along Commonwealth Avenue in Quezon City, in participation to the first day of the week-long nationwide jeepney strike on March 6, 2023.

MANILA, Philippines — “Suspendihin ang im­plementasyon ng mga alituntunin sa Public Uti­lity Vehicle Modernization Program (PUVMP).”

Ito ang naging pa­na­wagan kahapon ng transport group na PISTON kay Pangulong Ferdinand “Bongbong”Marcos Jr. at kung maaari anya ay mag­labas ng executive order para sa pagsuspinde ng im­­plementation ng Depart­ment of Transportation Order No. 2017-011 o Omnibus Guidelines on the Planning and Identification of Public Road Transportation Services and Franchise Issuance.

Ayon kay PISTON president Mody Floranda na ititigil nila ang week-long strike na nagsimula kahapon kapag tumugon ang pamahalaan sa kanilang mga hinaing.

Itinuloy nila ito sa kabila ng pagpapalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa June 30 deadline para bumuo ang jeepney operators ng mga kooperatiba sa December 31, 2023.

Ito ay kasunod ng pagsasabi ni Marcos na ang planned modernization ng jeepneys, bagama’t kinakailangan ay hindi “urgent.”

Kinuwestiyon din nila ang pamahalaan sa pag-uutos sa drivers at operators na palitan ang kanilang traditional jeepneys ng modernized “minibus” models.

TRANSPORT STRIKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with