MANILA, Philippines — Magdedeploy ng mga sasakyan ang mga Metro Manila mayors para sa maaapektuhang commuters sa nakatakdang pitong araw na tigil-pasada simula sa Lunes (Marso 6).
Sinabi ni Metro Manila Council (MMC) chairman at San Juan City Mayor Francis Zamora na napag-usapan na ng mga alkalde at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang gagawing hakbang.
Kabilang dito ang pagpapagamit ng mga MMDA bus, ang pagrenta ng San Juan local government ng mga bus at paglalabas ng kautusan na payagan ang mga tricycle na bumiyahe sa labas ng kanilang mga ruta.