^

Police Metro

Adamson stude ‘durog’ sa 70 palo

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Adamson stude âdurogâ sa 70 palo
Nagsagawa ng misa ang pamunuan ng Adamson University Manila bilang pakikipagsimpatiya sa pagkamatay sa frat hazing ng chemical engineering student na si John Matthew Salilig na ang bangkay ay natagpuang nakabaon sa bakanteng lote sa likod ng isang subdivision sa Imus City, Cavite.
Ernie Peñaredondo

7 ‘persons of interest’ sa hazing hawak na ng pulisya...

MANILA, Philippines — Labing pitong katao ang itinuturing na “persons of interest” sa pagkamatay ng estudyante ng Adamson University na si John Matthew Salilig dahil sa hazing ang iimbestigahan at pito rito ay hawak na ng PNP Biñan, Laguna. Nabatid na hindi bababa sa 70 palo ang natanggap ni Salilig, 24 sa initiation rites na kung saan 14 nag-initiate, tatlo ang sumailalim sa welcome rites habang 1 ang neophytes. Ayon kay PLt. Col. Virgilio Jopia, acting chief of police ng PNP-Biñan, Laguna, pi­nag­hahanap na rin ang isang 24-anyos na alumni ng Adam­son University at may-ari ng SUV na pinagsakyan kay Salilig bago ito ibaon sa Imus, Cavite nitong Martes. Kinakitaan si Salilig ng mga pasa sa binti na indikasyon ng palo ng matitigas na bagay. Inamin naman ng isa sa mga suspek na 70 palo ang tinanggap ng biktima sa nasabing initiation. Matapos ang aktibidad ay binawian ng buhay ang biktima habang sakay ng sasakyan.

Ayon kay Jopia, posib­leng bukod sa paddle ay ginamitan din ng iba pang matigas na bagay ang biktima. Hinihintay pa nila ang resulta ng otopsiya. Natunton ang bangkay nang ituro mismo ng kanyang mga nakasama sa initiation rites.Nabatid kay Jopia na posibleng dala ng matinding takot, nagpasya ang mga ito na magtungo sa pulisya­ at sabihin ang kanilang nala­laman kabilang na ang pi­nag­libingan kay Salilig.

“Dahil sa ginawa nating­ masusing investigation doon sa lahat ng personalities involved, isa-isa silang nagpunta sa ating police station,” dagdag pa ni Jopia. Giit ni Jopia, maituturing na ‘solved’ na ang kaso at nasampahan na rin ng obs­truction of justice ang ilan sa mga ito.

Samantala, sinabi naman ng nakatatandang ka­patid ni Salilig na si John Michael na nabanggit sa kanya ng kanyang kapatid na dadalo ito sa welcoming­ rites ng Tau Gamma Phi fraternity group sa Laguna­ noong Pebrero 18. Bilang­ miyembro ng grupo, sinabi­ ni John Michael na pinaya­gan niya ang kanyang kapatid na dumalo sa aktibi­dad, na labis niyang pinagsisi­sihan.

Inutos naman  ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. ang masusing imbestigasyon sa pagkamatay ni Salilig.

Ayon naman kay Mer Layson, pangulo ng Adamson University Parents Teachers Association (ADU-PTA), mariin nilang kinokondena ang naganap na marahas na hazing na ikinasawi ni Salilig.

“Nasaan ang brother­hood nilang sinasabi kung mismong lider at miyembro ng fraternity nila ang namalo, bumugbog at nanakit hanggang mawalang malay tao ang biktima habang sakay ng SUV matapos ang initiation rites at hindi pa nila dinala sa hospital at ang ma­saklap ay ibinaon pa sa lupa,” ani Layson. - Mer Layson

HAZING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with